Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Paghahanda ng Resume para sa Software Engineer na Posisyon

3 min read

Paghahanda ng Resume para sa Software Engineer na Posisyon

Sa talento at mataas na demand sa industriya ng IT, hindi maikakaila ang magiging kontribusyon ng mga software engineer. Upang mangingibabaw ka sa iyong aplikasyon, ang kakaibang resume na iyong ipapasa ang magiging kasangkapan mo upang magtagumpay.

Pauline Yusingco

Updated 5d ago

Paghahanda ng Resume para sa Software Engineer na Posisyon

Paano sumulat ng Software Engineer Resume?

Sa pagsulat ng software engineer resume, parating tandaan ang mahahalagang seksyon na dapat makikita sa iyong pahinga:

Ipakilala mo ang iyong sarili

Hindi kumpleto ang iyong resume kung hindi mo ipapakilala ang iyong sarili. Mahalagang mailagay mo ang iyong buong pangalan, tirahan, numero ng telepono, propesyonal na email address na gamit sa pag-a-apply, at pati na ang posisyong iyong nais.

Magdagdag ng propesyonal na kasaysayan ng trabaho (mga nakamit sa mga numero, magdagdag ng mga keyword na nauugnay sa mga bakanteng trabaho)

Kung ikaw ay wala pang karanasan, maaari mong ilapat ang tagumpay na iyong nakamit noong ikaw ay nag-aaral at nagsasanay pa. Pwede mo ring idamay ang iyong mga natutunan sa internship program. Isang tip dito na magdagdag ng mga salita o keyword na madaling masaliksik o makikita sa deskripsyon ng trabahong nais mo.

Ipasok ang mga kaugnay na kasanayan

Mayroong mga teknikal na kasanayan ang literal na makapaglalarawan sa trabaho ng isang software engineer. Kung mayroon ka ng mga ganitong uri ng abilidad, idagdag mo ito sa iyong resume nang sa gayon ay mangingibabaw ang iyong aplikasyon sa mga recruiter.

Magdagdag ng sertipikasyon

Sa madalas mong pagdalo sa mga patimpalak, pagsasanay, mga boluntaryong gawain, at iba pang aktibidad, at kung ito ay may ibinigay na sertipiko, maaari mo rin itong ilista sa iyong resume. Ito ay isang tunog para masuri ng manedyer na ikaw ay aktibong indibidwal kahit ikaw ay hindi pa nagsisimulang magtrabaho.

Magrebisa at iwasto ang resume

Iwasang ipasa kaagad ang iyong resume lalo kung hindi mo pa natatanaw lahat ng gawa mo sa buong pahina. Suriin kung maayos ang pormat, pagbuo ng mga salita, wasto ang taon, at madaling basahin.

Magdadag ng edukasyon

Isa ang software engineer sa may mataas na kalidad ng trabaho sa Pilipinas, kaya namang importantent maging huwad din sa iyong natamong edukasyon. Ilagay kung saang unibersidad o eskwelahan ka nag-aral, ang lokasyon nito, pati na kung kailan ka una at huling namalagi rito.

Mga Tip upang Makagawa ng Isang Mahusay na Software Engineer Resume

Ayusin ang iyong software engineer resume batay sa kumpanya o magbabasa nito

Gumamit ng ATS, at iwasto ang resume sa partikular na paskil ng trabaho kung maaari. Mgdagdag ng ilang keyword o salita na nauugnay bakanateng posisyon.

Pagiging tiyak sa mga nakamit na tagumpay

Maging tiyak sa iyong mga numero o datos ng iyong mga nagawa bilang pruweba sa kumpanyang iyong pinag-a-apply-an. Sukatin ang mga ito, at huwag kalimutang maglagay ng halimbawa.

Piliin ang tamang layout

Sa pagpili ng layout, gawin lamang itong isang pahina. Iwasang maglagay ng mga detalye na hindi aangkop sa trabaho ng software engineer. Maging payak din sa pagdadagdag ng deskripsyon at maiikling paglalahad sa iyong resume.

Pormat ng Software Engineer Resume

Upang higit na malinawan sa template na pwede mong gamitin para sa iyong software engineer resume, narito ang halimbawa:

[Buong Pangalan]

[Numero]

[Email Address]

[Tirahan]

[Buod ng Profile]

[Propesyonal na Karanasan]

[Kasanayan]

[Sertipikasyon]

[Edukasyon]

Halimbawa ng Software Engineer Resume

Ang ilang kumpletong halimbawa ng software engineer resume ay matatagpuan sa ibaba, at maaari mong maging batayan upang makapagsimula:

Halimbawa 1:

Halimbawa 2:

Halimbawa 3:

Software Engineer




Ang paghahanap ng posisyon bilang isang software engineer ay hindi nakakapangamba kung ikaw ay may maayos at wastong isusumite upang mangingibabaw sa iba pang aplikante.

Pauline Yusingco

Content Writer

Pauline Yusingco is a skilled Content Writer at Epicareer, specializing in SEO-driven HR and career content. She crafts engaging articles that help job seekers and employers navigate the job market, aligning with Epicareer’s mission to connect talent with opportunities.

Share this article

Related Articles